Wednesday, February 2, 2011

Anu ba ang PTC at baket may PTC


Hi guys! ito ang unang post ko ng tips para sayo na interesado tungkol dito sa ptc business. Like any other company laging merong orientation bago ka pumasok isa trabaho, negosyo, relasyon, o sa kahit anung bagay laging merong introduction kaya gumawa ako ng introduction para sayo.. lol ( la lang naisip ko lang mag sulat. Laughing ) So keep in touch ka lang lagi dito sa page ko (
http://xxxhuazeleixxx.blogspot.com/2011/02/ptc-guide-101-104.htm) para well educated ka about paid to click. Naks! ^_^
Ok, so anu ba ang ptc?
Ang ptc ay paid to click. Mag ki click ka ng ads sa mga ptc accounts mo, then you get paid. PERIOD. Simple ba? Sige pahabain ko ha,^_^ Joke! Actually ganun talaga ang "idea" ng ptc mag ki click ka ng ads then babayaran ka sa click mo. Dali noh! LOL

Eh baket ako binabayaran?
Ewan ko.... Di joke lang.. hehehe, kaya ka binabayaran ng mga ptc sites sa pag click ng ads kase yung mga "advertisers" ng ptc site eh nag babayad ng pera para lang "i-click" mo yung mga ads nila. ( desperado nila no! LOL ) Actually, one way para mag karoon sila ng visitor website nila ay mag advertise online, syempre para sure sila na me titingin ng site nila nag babayad sila sa aten para lang i click naten yung mga ads nila. La lang para ipakita nila yung mga offers nila online or gusto lang nila ng visitors online kaya sila nag babayad saten sa pag click at pag visit ng website nila kaya me "timer" bago ka nila bayaran. Kaya pede ka mag pretend na naka tingin ka sa website nila pero sa totoo lang eh tinitignan mo yung picture ng crush mo sa facebook. LOL
Dapat ba akong mabahala at me PAID TO CLICK sites?
Ewan ko sayo kung baket kailangang mabahala ka.. Teka, teka, yan ba tanong mo? Ulitin ko yung title ha.. "DAPAT BA AKONG MATUWA AT ME PAID TO CLICK SITES?", ( yan nadale mo! batang bata..^_^ ) Of course, dapat tayong matuwa at me paid to click sites.. Kase matagal na tayong nag oonline pero hindi naman tayo binabayaran ng website na bina browse naten eh, "TAG SOLO" sila sa kinikita nila sa mga advertisers at tayo hindi naten alam na pinag kakakitaan pala tayo ng facebook, myspace, friendster sa pag gamit ng website nila. Sa PTC kumita tayo sa pag click ng ads, kumita yung ptc sa tubo nila sa pag click naten ng ads sa mga advertisers nila, yung mga advertisers ng PTC naman ay natuwa kase meron silang visitor sa website nila. So "everybody is happy" Ika nga ng tito ko pag nagbabangka sya sa PUSOY. Actually sa oras at date na sinusulat ko tong ( tinglasu langwa takwen ) na to eh 1 year na akong nag pptc at so far magandang stream of income ang naitutulong nito saken, lalo na sa hirap ng buhay ngayon no. Kahit NFA Rice maraming di maka afford.. ^_^
So tingin ko eto lang ang isha-share ko sayo ngayon about ptc. Meron pa akong mga post sa baba at baka maka tulong ito sayo. ( sige ka ikaw ren ) Kung me oras ka pa mag basa, just go on at marami kang matutunan sa ptc at isha-share ko sayo ang personal experience ko sa online opportunity na ito. So again, i save mo sa computer mo ang page ko (http://xxxhuazeleixxx.blogspot.com/2011/02/ptc-guide-101-104.html) para masubaybayan mo ang mala OBRA MAESTRA kong tips para sa iyo.

1 comment:

  1. gusto ko rin mag ptc, anong gagawin ko? pede ba 15 years old?

    ReplyDelete